Selos?

Mahirap pumasok sa isang relasyon.

Hindi lang kasi kilig kilig yun e.

Kapag pumaok ka sa isang relasyon, ihanda mo na ang sarili mong masaktan, umiyak at magsakripisyo.

Hindi naman sa pagiging pessimist pero yun naman ang totoo.

Hindi kasi sa lahat ng oras maaraw.

In a relationship problem # 1

Madalas, ito ang problema ng mga kaibigan ko.

Minsan nga pinagtatawanan ko pa sila.

Ewan ko ba.

Para kasi sa akin mababaw na bagay para problemahin ang INSECURITIES

Pero hindi ko akalaing dadalawin ako ni insecurity sa pagkakataong ito.

Hindi naman ako ganito e.

 

Paano ba namang hindi ka maiinsecure e beauty queen?

Paano ba namang hindi ka maiinsecure e athlete?

Paano ba namang hindi ka maiinsecure e taga-UP (brains)?

Siya na talaga.

Ano ba naman laban ko dun?

Kulang nalang BG music ng “Nasa’yo na ang lahat” kapag nakikita ko siyang naglalakad e.

Kung ako nga mismong babae posibleng mag U-turn if I get the chance, paano pa kaya siya?

Lalong lalo na eh ex pa niya.

May pinagsamahan at nagmahalan.

Mapapaisip ka tuloy, ano bang tinira ng boyfriend ko para makipag-break sa ex niyang yun?

Hindi naman siguro siya shunga?

Wala na rin naman siyang hahanapin pa sa ex niya.

Centrum na nga o! Complete!

Joke ba ‘to?

 

Ang hirap talaga pag dinalaw ka ni insecurity.

Hindi healthy.

Medyo praning.

Nakakapikon at nakakapikon din sa part niya.

Ayaw ko namang araw-araw niya akong iassure?

High maintenance lang?

EW!

Hindi naman ako ganon.

 

SOLUTION

Minsan talaga kailangan matutong umintindi

Wala ka na rin namang magagawa dun diba?

Kahit bali-baliktarin mo pa ang mundo, naging sila na.

Hindi mo na mababawi yun at huwag mo nang itorture and sarili mo tungkol dun.

Isipin mo nalang kung ano ang ngayon at higit sa lahat bigyan siya ng chance to prove himself.

Kung niloko ka rin noon at mahirap na magtiwala, medyo unfair naman na ipagkait mo sakanya yun?

MANIWALA KA LANG.

Natural sa tao ang maging insecure pero samahan ng pagiging rational.

Iwasan ang pabugso-bugsong damdamin.

🙂

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s