Marcelo Santos III

Untitled

Hindi po ako magaling magsulat sa Tagalog. Kung tutuusin nga po, noong nasa High School palang ako, Filipino ang pinakamababa kong subject (at lola ko pa ang teacher ko sa lagay na yun). Hindi naman po kasi ako mahilig magsulat sa Filipino at kapag gingamit ko po ito sa pagsusulat, eh medyo kakaiba.

Pero mahilig naman akong magbasa ng komiks na Filipino pero hanggang doon lang yun. Puro kagaguhan kasi nakasulat kaya nakakatuwa pero siyempre in my defense, my point din naman yung mga komiks. Nailalarawan naman nila ang katotohanan sa nakakatawang paraan. Pero other than that, wala na akong binabasang artikulo na nakasulat sa Filipino, hindi ko kasi matagalan. Hindi naman dahil panget, para kasing mas mabigat pero hindi mabigat in a bad way. Minsan naiisip ko kasi, parang mas may puso? Eh nahihirapan pa naman ako sa mga puso puso na ‘yan.

Pero nakilala ko si Marcelo Santos III, ang makulay na mundo ni Marcelo Santos III.

Hindi ko rin siya kilala, NOON.

Pinakilala lang siya sa akin ng kaibigan ko. Adik kasi yun kay Marcelo. Kaya paano ko ba naman siya (Marcelo Santos III) hindi makikilala e parang siya nalang ang bukang bibig ng kaibigan ko. Siyempre na’curious’ naman ako (sino ba naman ang hindi). Sino ba si Marcelo Santos III na ito? Dahil sa curiosity ko, lumapit ako at humingi ng gabay kay GO……. GOOGLE at doon nakita ko siya.

Nalaman ko na matagal ko na pala siyang nakita sa Youtube at nung plinay ko ang mga video niya parang blast from the past.

Me: AAAHHH siya pala yun. Kilala ko na ‘tong si Marcelo Santos na ito e!

*Noong High School kasi ako pinakita na sa akin ng classmate ko yung mga video stories niya sa Youtube. E halos matunaw ri yun sa kilig nung pinanuod namin yung mga gawa ni MarceloSantos iii.. Hai nako.

Ilan sa mga Love stories on video ni Marcelo ay ang:

Paano ko ba idedesribe yung mga video ni Marcelo na hindi nasisira yung image ko? HAHA (That is, if I have one). Hindi kasi ako mahilig sa mga love stuff. Sa katunayan iniiwasan ko naman talaga yung mga nakakakilig na bagay. Allergic yata ako dun. Kasi feeling ko pinapaasa lang nito ang tao sa wala. Matapos nilang manuod, iisipin nila na sana sila rin makaexperience ng ganon kahit malayo namang mangyari. Hindi naman mangyayari yun e kaya bakit itotorture mo pa ang sarili mo? Less expectations means less chances of getting hurt. Pero para sa isang tao na umiiwas sa kakornihan ng love, okay naman ang video stories ni Mercelo Santos III eh. Kung susuriin mo ang technical side niya, hindi na niya kailangang gumamit ng visuals. Words lang yung ginagamit niya pero may impact parin. Marahil sa music? O sa mga salita?

Pero siyempre level-up na siya ngayon. Hindi na words lang. Meron na rin kasi siyang channel sa Youutube. Siya ang gumawa ng Love Story On Video production o LSOV production.

BZXb8uNCQAAhcVy

Bukod pa don, meron rin siyang libro naipublish.

BaSMmq0CUAA2YnD BaSN1IQCAAEXZGM

Sa totoo lang hindi naman korni magsulat sa Filipino e, sabi nga ng mama ko dati, iba talaga kapag nakasulat sa sarili nating wika kasi kahit medyo baduy, tagos parin. Naisip ko noon, jejemon rin pala ‘tong nanay ko oh. Pero actually, may point naman si mama e. Kasi noong sinimulan ko na rin ifollow si Marcelo, binabasa ko yung mga post niya na hindi naman related sa love love. Yung mga tidbits lang about life and I thought they were great. Simple lang.  Short pero sapul.

 Actually tinanong ko siya (si marcelo) sa blog niya “Kuya, bakit hindi nalang English?”nagulat ako kasi di ko naman ineexpect na sasagot siya (Malay ko bang gising pa siya sa mga oras na iyon). Sabi niya “Kasi Pilipino ako”. Oo nga naman nho? DUH. Supalpalers ako dun. Mabuti pa nga siya e, kasi akong Pilipino nahihirapan magsulat ng isang Filipino piece. (Kung nababasa lang ito ng lola ko, lagot siguro ako pag nagkataon)

Kung ayaw kong magbasa ng Filipino articles at hindi naman ako mahilig sa love, e bakit pinili ko si Marcelo Santos III. Anong nagustuhan ko sa kanya?

Hindi ko naman talaga gusto si Marcelo Santos III dahil sa ma love stories niya e, gusto ko siyang blogger kasi iba siya. Hindi siya nagsusulat tungkol sa pagkain, sa damit o sa travels niya. Nagsusulat siya tungkol sa buhay. Simpleng tao lang siya pero yung positivity niya kakaiba. Yung positivity niya umaapaw, umaabot sa taong nagbabasa sa mga naisulat niya. Siyempre creative rin siya at medyo kalog. Minsan kasi kailangan ko rin ng breather.

Pero sa totoo lang akala ko nga dati ‘di siya totoong tao. Wala kasing taong ganon kabait at kapositive. Baka  kunin na siya tuloy ni Lord (biro lang). Sana mas yumaman ka pa kuya Marcelo (close?) at mas makapagpasaya pa ng maraming tao. Goodluck sa susunod mong libro kuya.

Sa tumblr, merong ask section. Ang mga sususnod na larawan (charot!) ay ilan lamang sa mga nagustuhan kong sagot ni Marcelo Santos III.

msiii

msiiii

   BbgD79VCcAAlYO4

Most of the photos came from: source: https://twitter.com/akoposimarcelo

If you want to know more about Marcelo Santos III visit:

http://marcelosantosiii.tumblr.com/

http://www.youtube.com/channel/UCJmcmOvDVrXmin9LOmBvJow

http://marcelosantosiii.com/

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s